Tungkol sa Ahensya sa Aksyon sa Komunidad ng San Mateo County
Ang Ahensya ng mga Serbisyong Pantao (HSA) ng San Mateo County ang nangangasiwa sa alokasyon ng pederal na pondo ng Community Services Block Grant (CSBG) ng county, na kasalukuyang ginagamit para magbigay ng tulong pinansyal para sa pag-iwas at pagwawakas sa kawalan ng tirahan. Ang Lupon ng Ahensya sa Aksyon sa Komunidad (CAA) ng San Mateo County ang nangangasiwa sa paggamit ng mga pondo ng CSBG.
Ang misyon ng CAA ay alisin ang mga sanhi at pabutihin ang mga kalagayan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagsusulong sa kakayahang mamuhay nang nagsasarili ng mga pamilya at indibidwal na mababa ang kita sa San Mateo County.
Ang bisyon ng Lupon ng CAA ay magkaroon ang lahat ng pamilya at indibidwal sa San Mateo County ng pantay na access sa mga mapagkukunan ng komunidad na nagtataguyod at sumusuporta sa kakayahang mamuhay nang nagsasarili.
Ang layunin ng CAA ay magkaloob ng mga serbisyo at mapagkukunan na nagsusulong at humihikayat sa kakayahang mamuhay nang nagsasarili para sa mga pinaka-nangangailangang miyembro ng komunidad, sa pamamagitan ng pangangasiwa at pagbibigay-direksyon sa paggamit ng pondo ng Community Services Block Grant.
Noong 2024, ginamit ng CAA, sa pamamagitan ng subcontractor nitong Samaritan House ang mga pondo ng CSBG para tulungan ang 144 na sambahayang mababa ang kita sa pamamagitan ng pang-emergency na tulong pinansyal para sa mga atrasadong bayad sa upa, pagpapaayos ng kotse, mga security deposit, mga bayarin sa utility, at iba pang serbisyo. Nakatulong ang tulong pinansyal na ito sa mga sambahayan na mapanatili ang kanilang trabaho o tirahan, o makaalis sa pagiging walang tirahan at magkaroon ng sariling bahay. Noong 2025, binuo ng CAA ang Community Action Plan para sa 2026-2027.
Kabilang sa tungkulin ng Lupon ng CAA ang pagpupulong kada tatlong buwan (quarterly) upang suriin ang mga ulat tungkol sa mga serbisyong ipinagkaloob gamit ang mga pondo ng CSBG; pagboto sa mga kaugnay na bagay, kabilang ang mga Community Action Plan; at pagtalakay sa mga kaugnay na paksa. Ang Lupon ng CAA ay isang tripartite board na may mga kinatawan mula sa pampublikong sektor, pribadong sektor, at komunidad ng mga taong mababa ang kita. Ang balotang ito ay para sa demokratikong proseso ng pagpili ng isang kinatawan mula sa sektor ng mga taong mababa ang kita. Ang mga kandidato ay mga residente ng San Mateo County o kaya'y may kaalaman at interes sa komunidad at sa populasyon nitong mababa ang kita.