Urban Forest Master Plan Survey ng Santa Clara County

Ang pinakamabuting oras upang magtanim ng puno ay noong nakalipas na 20 taon, ang pangalawang pinakamabuting oras ay ngayon!!!

Iniimbitahan ka na makilahok sa isang survey upang ibahagi ang iyong palagay at pananaw tungkol sa mga puno, at magbigay ng kaalaman sa pagpaplano at pagpapanatili ng mga puno
at urban forest ng iyong komunidad at ng buong Santa Clara County.

Ang Office of Sustainability and Resilience ng County ng Santa Clara ay bumubuo ng pambuong county na Urban Forest Master Plan sa pakikipagtulungan sa Santa Clara Valley Urban Forestry Alliance (SCVUFA). Ang SCVUFA ay isang work group ng Santa Clara County Climate Collaborative at pinapangunahan ang pagtutulungan at pakikibahagi ng mga urban forest stakeholder upang palawakin at panatilihin ang urban tree canopy at pagaanin ang mapinsala na epekto sa kapaligiran at kalusugan ng tao, lalo na sa mga lugar na may mga mahihinang populasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Climate Collaborative at SCVUFA,
bisitahin ang https://www.climatecollaborativescc.org/.

Ang Master Plan ay magbibigay ng 40 taong adhikain para sa mga puno ng Santa Clara County, magsisilbing plano upang suportahan ang panrehiyong pamamahala sa urban forestry at bumuo ng mga estratehiya na nakabatay sa komunidad upang mapalawak ang canopy ng puno at maiugnay ang mga tao sa mga puno.

Bahagi ang survey na ito ng isang paunang outreach na pagsisikap upang mapakinggan ang iyong pananaw tungkol sa urban forest ng Santa Clara County. Gagamitin ang iyong sagot upang magabayan ang binubuong Urban Forest Master Plan.

Naisakatuparan ang proyektong ito sa pagpopondo ng CalFire Urban and Community Forestry Grant.
 
33% of survey complete.

T