Click to access this survey in: English, Spanish, Vietnamese, Korean, Russian, Ukrainian, Arabic, Punjabi, Khmer, Somali, Traditional Chinese, Simplified Chinese, or TagologI-click upang i-access ang survey na ito sa: English, Spanish, Vietnamese, Korean, Russian, Ukrainian, Arabic, Punjabi, Khmer, Somali, Traditional Chinese, Simplified Chinese, o TagalogSalamat sa paglalaan ng oras upang ibahagi ang pananaw mo tungkol sa mga pangangailangan ng mga pamilya sa iyong komunidad at sa buong Estado ng Washington!
Anonymous ang pagpapasa ng mga survey. Hindi mangongolekta ng pangalan sa buong proseso ng survey, at hindi susubuking iugnay ang mga sagot ng isang indibidwal sa kaniyang pagkakakilanlan o gamitin ang mga sagot upang kilalanin ang mga indibidwal.Bakit namin isinasagawa ang survey na itoSa bawat limang taon, ang Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) ng Estado ng Washington ay gumagawa ng isang pagtatasa sa kalusugan ng mga bata, magulang at tagapangalaga, at mga pamilya sa estado. Sa tulong ng impormasyong kinakalap namin, natutukoy namin ang mga priyoridad na gumagabay sa trabahong ginagawa namin. Isinasagawa ng DOH ang Survey sa Pagtuklas bilang bahagi ng prosesong ito. Hangad ng Survey sa Pagtuklas na alamin kung ano para sa mga taong katulad mo ang pinakamahahalagang bagay na sa palagay nila ay nakaaapekto sa kalusugan ng kababaihan, kabataan, at mga pamilya. Ang impormasyong ito tungkol sa iyong mga palagay, lalo na sa mga bagay na gumagana at ang mga bagay na maaari pang mapabuti, ay mahalaga para sa amin.
Binubuo ang survey ng sampung tanong. Ang unang dalawa ay nagtatanong tungkol sa iyong mga pananaw at opinyon sa kung ano ang tumutulong sa kababaihan, kabataan, at mga pamilya na magtagumpay at kung ano ang hindi nagagawa na maaaring makatulong sa kanilang magtagumpay. Ang lahat ng iba pang t