Mangyaring ibahagi ang iyong mga priyoridad upang mabigyan ng kaalaman ang aming mapa ng daan para sa kinabukasan ng Lungsod sa pamamagitan ng Pangkalahatang Plano.

Ang Pangkalahatang Plano ay tumutulong sa pagbibigay-hugis sa ating mga pang-araw-araw na pamumuhay, tumugon sa malalaking hamon, at dalhin tayo sa kinabukasang mas magkakapantay pantay, mapapanatili, at mabuti sa kalusugan na magpapahintulot sa lahat ng San Franciscan na umunlad. Sa pakikipag-ugnayan at pakikibahagi ng komunidad, layunin ng Pangkalahatang Plano ang sumalamin sa mga pagpapahalaga at priyoridad ng komunidad.

Pinamumunuan ng San Francisco Planning (Pagpaplano ng San Francisco) ang mga update para sa mga sumusunod na Elemento ng Pangkalahatang Plano: Pabahay, Transportasyon, Kaligtasan at Katatagan, at isinasama ang Katarungang Pangkapaligiran. Nakatuon din ang Kagawaran sa pagsulong sa pagpantay na lahi at lipunan sa kabuuan ng Pangkalahatang Plano, gaya ng pinamamahalaan ng mga resolusyon ng Planning and Historic Preservation Commission (Komisyon ng Pagpaplano at Makasaysayang Pagpreserba) sa pantay na sa lahi at lipunan.

Ang iyong saloobin ay magbibigay ng payo sa mga tauhan pagdating sa pagbubuo ng mga layunin, priyoridad at patakaran na magbibigay-hugis sa pangmatagalang kinabukasan para sa San Francisco. Ang survey na ito ay isa sa maraming paraan upang makibahagi sa panahon ng pandemya. Sa pamamagitan ng survey na ito at iba pang mga pagsusumikap sa pakikipag-ugnayan at pakikibahagi, nakatuon ang San Francisco Planning sa paghahatid ng mga patakaran upang mapabuti ang buhay ng lahat ng San Franciscans.

Hindi isinisiwalat ng survey na ito ang pagkakakilanlan. Pagkatapos itong makumpleto, maaari mong piliing ibahagi ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan upang sumali sa palabunutan. Limang mananalo ang pipiliin sa sapalaran na palabunutan upang makatanggap ng $50 na gift card.

Salamat sa iyong pakikibahagi!

T