Thriving in Place Survey sa Pagtatantiya ng Mga Pangangailangan ng Komunidad sa Teknolohiya Technology Community Needs Assessment Survey
Ang Thriving in Place (Pag-unlad sa Lugar) ay nagsasagawa ng survey sa buong lungsod para sa Pagtantiya ng Mga Pangangailangan ng Komunidad para maunawaan ang mga hadlang sa teknolohiya at mga pangangailangan ng mga residente ng SF na may mga kapansanan at mas matandang nasa hustong gulang (may edad na 60+) sa panahon ng COVID-19. Ang mga resulta ng pag-aaral ay ibabahagi sa Department of Disability and Aging Services (Kagawaran ng Mga Serbisyo sa May Kapansanan at Matanda, DAS) at sa Mayor's Office on Disability (Opisina ng Alkalde para sa Kapansanan, MOD) bilang bahagi ng Pagtugon sa COVID-19 sa San Francisco.
Nangangalap ang survey na ito ng mungkahi mula sa komunidad upang ipaalam ang pamamaraan ng Lungsod sa pagpapalawak ng access sa Internet, mga aparato at suporta sa karunungan tungkol sa teknolohiya (digital literacy) na kinakailangan para ang mga residente ay makakuha ng impormasyon, maka-access ng mga serbisyo, patingnan ang kalusugan online, kumonekta sa pamilya at mga kaibigan at para lumahok sa mga aktibidad online.
Kung ikaw ay isang taong may kapansanan, mas matandang nasa hustong gulang (60+), kabataan na nasa edad ng transisyon (18-24), beterano, isang taong nakakaranas kawalan ng tirahan, o magulang ng isang batang may kapansanan, gusto naming may malaman mula sa iyo!
Kung gusto mong makakuha ng tulong sa pagsagot ng survey na ito, o kung gusto mong mag-iskedyul ng survey sa pamamagitan ng telepono, paki-email ang DigitalEquity@TipSf.org o tumawag sa 41-5-593-8129
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Thriving in Place at sa proyekto ng Pagtantiya sa Pangangailangan sa Teknolohiya, makipag-ugnayan sa amin sa DigitalEquity@tipsf.org, o bisitahin kami online www.tipsf.org/digital-equity
Pakitandaan na lubos na boluntaryo ang survey na ito at mananatiling kumpidensyal ang lahat ng impormasyong ibibigay mo. Puwede mong laktawan ang anumang tanong na hindi mo gugustuhing sagutan.
Kumpletuhin ang survey na ito upang maipasok sa raffle at manalo ng isang $50 Gift Card!