Panimula

Ang Asian Pacific Islander Community Health Worker Network sa Santa Clara County ay nagsasagawa ng isang health assessment para sa Asian at Pacific Islander Community sa county. Makakatulong ang assessment na ito para sa network at tagapondo upang mas maunawaan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga grupong ito. Ang impormasyong makukuha sa survey na ito ay makakatulong sa tamang paglalaan ng tulong at pondo, pagpaplano ng mga serbisyo, paggawa ng mga programa, at pagsasaayos ng hindi pantay na access sa mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan.

Bilang bahagi ng prosesong ito, kami ay nagsasagawa ng survey para sa mga taong:
  • Nakatira sa Santa Clara County
  • Edad 18 pataas
  • Nabibilang sa isa o higit pang mga lahi ng Asian American at Pacific Islander (AAPI) (gaya ng mga nakalista sa ibaba):
Asian Pacific Islander
  • Asian Indian
  • Chinese
  • Filipino
  • Japanese
  • Korean
  • Vietnamese
  • Native Hawaiian
  • Guamanian or Chamorro
  • Samoan
  • Pacific Islander
  • Polynesian, gaya ng Tahitian, Tongan, and Tokelauan
  • Micronesian, gaya ng Marshallese, Palauan, and Chuukese
  • Melanesian, gaya ng Fijian, Guinean, and Solomon Islander

Ang iyong mga sagot ay mananatiling anonymous at confidential. Wala kaming hihinging personal na
impormasyon o pangalan at walang sagot ang iuugnay sa kanino mang tao. Ang iyong paglahok sa survey na
ito ay kusang-loob at boluntaryo kaya’t maaari mong laktawan ang kahit anumang tanong o tumigil anumang
oras.

Ang survey na ito ay aabutin ng 15 minuto upang matapos.

Maraming salamat sa iyong ambag at pakikilahok.

T