Inimbitahan ka ng Washington State Department of Agriculture na lumahok sa survey na ito na ipinapadala sa mga processor ng pagkain, organisasyong pantulong sa pagkain, tagapagtaguyod ng agrikultura, negosyong sumusuporta sa produksyon ng agrikultura, organisasyong tumutulong sa paglutas ng gutom, mamimili, at iba pa sa buong estado. Ang layunin ng survey na ito ay mangalap ng feedback mula sa mga tumugon tungkol sa mga pananaw sa agrikultura at mga hamon na nakakaapekto sa agrikultura.
Mangyaring maglaan ng oras para kumpletohin ang
5 hanggang 10 minutong survey na ito.
Kung mas marami ang tutugon, mas epektibo nating maipapahayag ang halaga ng industriya ng agrikultura ng Washington sa mga residente. Pinahahalagahan at tinatanggap ang mga saloobin mo.
Pagiging Kumpidensyal:Ang survey na ito ay nilalayong maging anonymous; mangyaring huwag maglagay ng anumang impormasyong magpakilala sa iyo sa mga tugon mo.
Ang Washington Public Records Act (
RCW 42.56) ay nag-aatas sa mga ahensya na gawing available ang mga pampublikong rekord sa mga miyembro ng publiko na may limitado, at mahigpit na mga eksepsyon. Maaaring isapubliko ang impormasyong makakalap sa survey na ito alinsunod sa batas. Ang mga tugon sa survey ay pagsasamahin sa lahat ng tumugon at, maliban kung magsasama ka ng anumang impormasyong magpakilala sa iyo sa tugon mo, ang mga tugon ay hindi magpapakita ng iyong pagkakakilanlan.