• English
  • Español
  • Oromoo
  • Soomaali
  • Tagalog
  • Tiếng Việt
  • Русский
  • Українська
  • العربية
  • ትግርኛ
  • አማርኛ
  • 中文(简体)
  • 中文(繁體)
  • 한국어
Kung kailangan mo ng tulong para sagutan ang aplikasyong ito o mas gusto mong gawin ang pagsisiyasat na ito sa ibang wika o pormat, mag-email sa HaveASay@kingcounty.gov o tumawag sa (206) 263-9768.

Salamat sa iyong interes sa Transit Advisory Commission (TAC) ng King County. Tungkulin ng TAC na magpayo sa mga miyembro ng kawanihan at pangkalahatang tagapamahala ng Metro, Tagapagpaganap at Konseho ng King County, mga lokal na hurisdiksiyon, at mga kaunay na lupon para sa transportasyon na may kinalaman sa mga isyu, proyekto, at programa sa patakaran ng transit. Mangyaring bisitahin ang aming webpage para sa iba pang impormasyon. Ang TAC ay isang boluntaryong komisyong binubuo ng mga miyembro ng komunidad na kumakatawan sa siyam na distrito ng Konseho ng King County (tingnan ang mapa ng distrito). Ang bawat miyembro ay itinatalaga ng Tagapagpaganap ng County at kinukumpirma ng Konseho ng County sa isang mosyon. Kasama sa mga miyembro ang mga sumasakay sa transit, kapamilya ng mga sumasakay sa transit, at/o posibleng sumakay sa transit.

PAKITANDAAN: Ang impormasyongibinigay sa polmularyo na ito ay magiging isang pampublikong rekord na malaya at bukas na masusuri ng sinumang tao sa ilalim ng Washington State Public Records Act (RCW 42.56.250). Gayunpaman, bagamat isisiwalat namin ang pangalan ng aplikante, hindi namin ipapakita ang sumusunod: tirahan, numero ng telepono, at email address ng aplikante.
Panahong ilalaan at mga aktibidad na kailangang gawin ng miyembro
  • Dumalo sa 2 oras na pulong buwan-buwan na isinasagawa tuwing ikatlong Martes, nang 6– 8p.m.
  • Dumalo sa mga pulong ng subkomite kung kailangan
  • Makipag-ugnayan sa email at/o telepono sa mga tagapangasiwa ng TAC
  • Dumalo sa taunang retreat (aalamin pa ang oras at petsa para sa 2022)
Isinasagawa nang birtuwal sa Zoom ang mga pulong ng TAC maliban na lang kung magbibigay ng bagong abiso. Kapag ligtas na, babalik na kami sa in-person na pagpupulong sa King Street Center, Seattle.
Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan

Question Title

* 1. Ano ang iyong pangalan?

Question Title

* 2. Ano ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan?

Question Title

* 3. Ang mga miyembro ng Transit Advisory Commission ay kailangang residente ng King County. Ano ang iyong pisikal na address? (Kung nakararanas ka ng kawalan ng tirahan o wala kang pirming bahay, pakilagay ang huli mong alam na address o ang kasalukuyang address kung saan ka puwedeng tumanggap ng sulat.)

Question Title

* 4. Kontak sa emerhensiya (opsiyonal)

Personal na impormasyon (opsiyonal)

Ang Konseho ng King County at ang Tagapagpaganap ng King County ay naninindigang maisali at makaugnayan ang lahat ng residente ng King County upang tiyaking naisasalamin ng mga lupon at komisyon ng King County ang komunidad na aming pinaglilingkuran. Boluntaryo ang pagbibigay ng impormasyon sa seksiyong nasa ibaba pero makatutulong ito para makamit ang layuning iyon.

Question Title

* 5. Kasalukuyang employer

Question Title

* 6. Paano mo kinikilala ang iyong sarili?

Kung gusto mong tukuyin ka namin habang nasa pulong gamit ang panghalip na iba kaysa sa personal para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, mangyaring ipaalam ito sa amin.

Question Title

* 7. Hanay ng henerasyon (piliin ang hanay ng edad na angkop sa iyo)

Access

Question Title

* 8. Mayroon ka bang kapansanan tulad ng inilalarawan sa Americans with Disabilities Act?

Question Title

* 9. Ano ang kailangan mo para madali at maginhawang makalahok sa mga aktibidad ng TAC, tulad ng mga virtual na pulong o pakikipag-usap sa email/telepono? Piliin ang anumang angkop.

Question Title

* 10. Ang mga miyembro ng TAC ay bibigyan ng email address para sa mga pakikipag-ugnayang may kinalaman sa TAC. Paano mo pinaplanong i-access ang email address na ito?

Question Title

* 11. Isinasagawa nangbirtuwal sa Zoom ang mga pulong ng TAC maliban na lang kung magkaroon ng bagong abiso. Paano ka dadalo sa mga birtuwal na pulong?

Question Title

* 12. Kasalukuyan ka bang nagtatrabaho sa King County?

Mga tanong sa aplikasyon

Question Title

* 13. Bakit mo gustong maglingkod sa Transit Advisory Commission ng King County? Ano ang kaugnayan mo sa transit at/o sa isang sumasakay sa transit?

Question Title

* 14. Anong mga isyu sa transit ang interesado kang alamin pa habang naglilingkod sa TAC?

Question Title

* 15. Anong mga isyu sa transit ang dapat tugunan ng TAC?

Question Title

* 16. Anong personal na propesyonal na karanasan, background, o kakayahan ang dadalhin mo sa TAC?

Question Title

* 17. Maipangangako mo bang dadalo at lalahok ka sa mga regular na pulong at makikipag-ugnayan sa kawanihan sa tamang oras?

Question Title

* 18. Sa pagpasa sa aplikasyong ito, pinaninindigan ko na totoo at kumpleto ang impormasyong ibinigay ko sa aplikasyong ito sa abot ng aking kaalaman.

Kahit matapos ang aplikasyong ito, hindi ibig sabihin na sigurado na ang appointment sa Transit Advisory Commission. Ibibigay ang iyong aplikasyon sa Tagapagpaganap ng King County at Konseho ng County para maisaalang-alang sa appointment.

T