Sa inyong pagkakaalam, ang Lupon ng Paaralan ng Seattle kamakailan ay pinagtibay ang isang bagong iskedyul ng oras ng bell sa 2016-17 paaralang taon. Ang pagbabagong ito ay nangangahulugan ng pagkilala at suporta sa pagsasaliksik na nagpakita na ang mga kabataan ay maaaring makinabang sa tanghaling oras ng pagsisimula na magbubunga ng mahabang tulog, mabuting kalusugan, pagtaas ng akademiko at pagbuti ng bilang ng pagbubulakbol. Karamihan sa mga sekondaryang paaralan ay papunta sa paggamit ng tanghaling oras ng bell, habang ang mga paaralang elementarya ay papunta sa mas maagang oras ng pagsisimula.
Samantalang ang pagbabago ng oras ng bell ay nakabibigla sa maraming paraan, alam natin na ito’y nagprisinta ng ilang mahalagang paghamon na lohistikal, pag-iiskedyul at pang programa, at nagpapasalamat sa impormasyon mula sa mga paaralan, pamilya at miyembro ng pamayanan sa epekto. Habang ang Distrito ay pasulong na kumikilos, ito ay nakatuon pansin sa ilang paksa na mahalaga sa isang matagumpay na pagbabago sa bagong pinagtibay na oras ng bell, kasama ang:
· Mga Serbisyo sa Pagkain (Agahan at Taghalian)
· Mga Programang Bago at Pagkatapos ng Iskuwela
· Mga Palakasan
Bilang bahagi ng trabahong ito, humihingi kami ng inyong masasabi sa tatlong (3) paksang ito at paano ang isang pagbabago sa oras ng bell ay maaring makaapekto sa partisipasyon ng inyong (mga) anak.
Mangyaring magbigay ng ilang minuto upang sagutin ang mga tanong. Ang inyong masasabi dito sa prosesong pagbibigay ng desisyon ay napakahalaga sa Task Force, sa Distrito at pamayanan ng Seattle na makakatulong sa pagbibibigay ng impormasyon sa kanilang pag-uusap at trabaho.
Maraming salamat sa inyong pagbibigay ng oras!