Philippine COVID-19 Vaccines Outcomes and Experiences (Filipino version)

Survey ukol sa inyong karanasan sa bakunang COVID-19

Isinasagawa ng Lunas Pilipinas Coalition ang survey na ito upang magkalap ng datos ukol sa karanasan ng mga Pilipino sa bakunang COVID-19 at suriin ang tugon ng pamahalaan sa pandemya. 

Maaari ninyong sagutan ang questionnaire na ito para sa inyong sarili o para sa ibang tao (halimbawa, anak ninyo, kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, katrabaho, kakilala). Maaari ninyong sagutan ito kahit hindi kayo bakunado.  

Hihingi kami ng panimulang impormasyon tungkol sa inyo, at pagtapos ay magtatanong kami tungkol sa inyong naranasan nung kayo ay binakunahan para sa COVID-19. Paki sagot po lamang ang lahat ng mga tanong na nauukol sa inyong sitwasyon. Maaari po kayong magbigay ng dagdag na salaysay sa mga "comment box". 

Kung sinasagutan po ninyo ang questionnaire na ito para sa ibang tao, gumamit po kayo ng 1 questionnaire para sa bawat tao. 

Marami pong salamat sa pagsagot ninyo. Ang impormasyong ibabahagi ninyo ay makakatulong sa pagmulat sa mga leksyon ng pandemya. 
1.Sinasagot ko ang questionnaire na ito ... 
2.Ano ang inyong probinsya? 
3.Ano ang inyong siyudad? 
4.Ilang taon kayo? 
5.Ano ang inyong kasarian? 
6.Ano ang inabot ng inyong pinag-aralan? 
7.Ano ang inyong kasalukuyang estado sa trabaho/hanapbuhay? 
8.Ilang dose ng bakunang COVID-19 ang inyong natanggap? 
9.Balak ba ninyong magpabakuna ulit? 
10.Kung kayo ay bakunado, paki lista ang lahat ng mga bakunang natanggap ninyo at ang mga petsa ng inyong pagbabakuna. 
11.Bakit kayo nagpabakuna para sa COVID-19? Paki check ang lahat ng mga nauukol sa inyo. Maaari din kayong magbigay ng paliwanag.
12.Pinilit o pinuwersa ba kayong magpabakuna? (Paki sagot ang tanong na ito kahit hindi kayo bakunado.)
13.Saan kayo binakunahan? Paki check ang lahat ng nauukol.  (Kung hindi kayo bakunado, hindi ninyo kailangang sagutin ang tanong na ito.) 
14.Nung binakunahan kayo, ipinaalam ba sa inyo na may posibilidad na makaranas kayo ng pinsala o masamang epekto mula sa bakuna? (Hindi ninyo kailangang sagutin ang tanong na ito kung hindi kayo bakunado.)
15.Alam ba ninyo na may pondo ang PhilHealth (compensation/indemnity fund) para sa mga napinsala o namatay matapos mabakunahan para sa COVID-19? (Paki sagot ang tanong na ito kahit hindi kayo bakunado.)
16.Alam ba ninyo na puwedeng i-report sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang mga napinsala/namatay dahil sa bakunang COVID-19? 
17.Kamusta yung kalusugan ninyo matapos kayong mabakunahan? (Hindi ninyo kailangang sagutin ang tanong na ito kung hindi kayo bakunado.)
18.Paki larawan ang kalagayan ng inyong kalusugan pagkatapos ninyo mabakunahan para sa COVID-19. (Hindi ninyo kailangang sagutin ang tanong na ito kung hindi kayo bakunado.) 
19.Paki sagutan ang tanong na ito kung sumama ang kalagyan ninyo matapos mabakunahan: Ni-report ba ninyo o ng doktor ninyo ang inyong kondisyon sa Philippine FDA? (Hindi ninyo kailangan sagutin ang tanong na ito kung hindi kayo bakunado.) 
20.Nagkaroon na po ba kayo ng COVID-19? (Paki sagot ang tanong na ito kahit hindi kayo bakunado.) 
21.Ilang beses na kayong nagka-COVID-19? Ilagay po ninyo ang buwan at taon. Kung bakunado kayo, paki lagay ang petsa (buwan at taon) para sa bawat bakunang natanggap ninyo. 
22.Kung maibabalik ninyo ang nakaraan, magpapabakuna pa rin ba kayo? 
23.Ano ang pakiramdam ninyo sa desisyon ninyong pagpabakuna? (Kung hindi kayo bakunado, ano ang pakiramdam ninyo sa desisyon ninyong hindi magpabakuna?) 
24.Kung sakaling i-require muli ng gobyerno ang bakuna sa susunod na pandemya, magpapabakuna ba kayo? 
25.Meron pa ba kayong gustong ipaalam sa amin? Nais ba ninyong ikuwento ang nangyari sa inyo? 
26.Nangangailangan po ba kayo (o ang inyong mga mahal sa buhay) ng tulong para sa mga pinsala na naranasan ninyo dahil sa bakunang COVID-19? Kung nais po ninyong ma-contact, paki sulat ang inyong pangalan at mga contact details (cell number, landline, email address, pangalan sa FB). Hindi namin ipapaalam sa iba ang inyong personal na impormasyon. 
Current Progress,
0 of 26 answered