8 Dahilan kung Bakit Naging Paboritong Tool ang SurveyMonkey sa Pagsasagawa ng Pananaliksik

Ang survey ay hindi lang isang koleksyon ng mga tanong na inilalagay sa mga web site, isa rin ito sa mga pangunahing ‘armas’ at ‘tool’ sa negosyo, mga samahan/komunidad, edukasyon at iba pang mga larangan. Sa ngayon, napakalaki na ng naiambag ng survey sa pananaliksik sa maraming industriya. Sa tulong ng survey, maraming tao na sa wakas ang nakikinabang dahil nauunawaan nila ang boto o margin na nangingibabaw sa market/mga sitwasyon. At, ang isa sa mga site ng provider na gumagawa ng survey, na SurveyMonkey, ay lubos na nakakaunawa tungkol sa partikular na tungkuling ito ng survey. Ibig sabihin, nandito ang SurveyMonkey upang tumugon sa mga pangangailangan.

market-research

Mula sa maraming site na nagbibigay ng mga katulad na serbisyo, ang SurveyMonkey ay palaging may maiaalok sa iyo, na siyang dahilan upang ito ang palagi mong piliin. Samakatuwid, dahil sa SurveyMonkey, hindi mo na kailangang dumanas ng kumplikadong paggawa ng survey, ng mga paghihirap sa pagbuo ng maraming may kaugnayang tanong, ng mahirap ipaliwanag na pag-uulat at marami pang ibang bagay na nagpapalito sa iyo. Nasa ibaba ang ilang dahilan kung bakit siguradong magugustuhan mo ang SurveyMonkey, at kung bakit mo ito pipiliin bilang katuwang sa iyong pananaliksik:

Madali at Simpleng Paggawa ng Survey

Bukod pa sa pangalan nito na madaling tandaan at pinaikli bilang SurveyMonkey – nangb walang anumang mga panlapi tulad ng SurveyMonkey Co., SurveyMonkey Inc., atbp., nagbibigay rin ang SurveyMonkey ng maginhawa at mabilis na proseso ng paggawa ng survey. Gumawa ng survey sa tatlong simpleng hakbang lang, na kinabibilangan ng pagbuo mismo ng survey, pagtatakda sa mga respondent na gusto mong i-target at paghihintay sa resulta ng survey sa loob lang ng ilang araw.

Nagagawa ito dahil nagbibigay ang SurveyMonkey ng maraming opsyon sa kategorya para sa tema ng iyong survey, upang mabilisang ma-customize ang pagbuo ng mga tanong at mga disenyo ng pag-display sa mga ito. Kung kaya, magagamit ng maraming taong may iba’t ibang background ang SurveyMonkey dahil kahit na simple at madali lang ang tagubilin sa paggawa ng survey, kumpleto pa rin ito sa magaganda at kapaki-pakinabang na feature upang makagawa ng mahusay na survey.

Masusing Pag-uulat ng Resulta ng Survey

Ito ang pangunahing pakinabang na makukuha mo kapag pinili mo ang SurveyMonkey. Talagang detalyado ang pag-uulat ng survey ng SurveyMonkey. Dahil tinutulungan ka ng SurveyMonkey na igrupo ang mga may kaugnayan at akma na tanong para sa kategorya ng iyong survey, pinapalalim nito ang pagsusuri ng ulat at tinutugunan ang target. Dagdag pa rito, maraming tool sa pagsusuri ang SurveyMonkey na may kakayahang magproseso ng data sa pamamagitan ng pagfi-filter, paghahambing at pagsusuri.

Kumpleto sa Maraming Koleksyon ng Mga Tanong upang Makatulong sa Iyo na Bumuo ng Mga May Kaugnayang Tanong.

Ginagawa nitong interesante ang SurveyMonkey. Maaaring may mga maling salita o paulit-ulit na pangungusap ang mga tanong na binubuo mo para sa iyong survey. Mabuti na lang, maaaring iwasto ang mga pagkakamali gamit ang feature na Skip Logic sa SurveyMonkey. Sa feature na ito, makakapag-edit ng mga tanong o makakapagmungkahi ng mga bagong tanong na akma sa mga sagot ng mga respondent sa mga naunang tanong. Sa madaling sabi, gumagawa ang Skip Logic ng espesyal na paraan ng pagsagot sa mga tanong sa survey batay sa mga sagot ng respondent, kaya naman mas may kaugnayan at nakaayon ang resulta. Maaaring baguhin at isaayos mismo ang Skip Logic alinsunod sa panuntunang gusto mong itakda sa mga respondent.

Ihahanda na rin ng SurveyMonkey ang pag-display sa mga tanong, kasama ang mga opsyon sa tanong sa paraan ng mga multiple choice, rating scale, demograpiko at kahon para sa komento/sanaysay.

Akma para sa Ilang Survey ng Negosyo na May Kaugnayan sa Iyong Mga Consumer

Ang SurveyMonkey ay may iba’t ibang kategorya ng survey sa maraming larangan, mula sa edukasyon, medikal, komunidad/samahan, hanggang sa negosyo. Lalo na para sa negosyo, lubos na inirerekomenda ang SurveyMonkey para sa survey ayon sa kasiyahan ng customer para sa mga serbisyo/produkto ng iyong negosyo (questionnaire tungkol sa kasiyahan ng customer), sa kalidad ng brand mula sa pananaw ng mga customer (kaalaman sa brand), sa pinakakatanggap-tanggap na presyo sa market (pagsubok sa presyo), sa mga bagong ideya sa negosyo na kasalukuyang sikat sa market (pagsubok sa konsepto), sa pagsusuri sa kakumpitensya (pananaliksik tungkol sa kakumpitensya), at iba pa. Ito ay dahil nagbibigay ang SurveyMonkey ng ilang alituntunin para sa iyo sa paggawa ng survey, mula sa mga tip upang makabuo ng mga interesanteng tanong na nakakakuha ng mabibilis na tugon, hanggang sa pagbibigay ng mga resulta ng data ng survey na magiging kapaki-pakinabang para sa iyong market research.

Bukod pa rito, nagbibigay din ang SurveyMonkey ng mga opsyon para sa iyo upang makuha ang mga tamang target na respondent para sa iyong mga tanong. Kung ang iyong mga tanong ay may kaugnayan sa mga negosyo ng mobile device, maaari mong itakda na ang mga respondent na sasagot sa survey ng iyong negosyo ay ang mga taong gumagamit ng telepono araw-araw. Dahil ito sa maraming antas at malaking bilang ng audience na mayroon ang SurveyMonkey, kaya maaari mong i-target ang mga respondent na may kaugnayan sa tema ng iyong survey.

Para sa survey na may kaugnayan sa negosyo, kung nag-sign up ka para sa may bayad na bersyon ng serbisyo ng SurveyMonkey, maaari mong gamitin ang mga programa ng survey na ibinibigay ng SurveyMonkey. Gamit ang mga programa ng survey na ito, nag-set up ang SurveyMonkey ng team na titingin sa mga itatanong mo, at tutulong sa iyo na matukoy ang naaangkop na target na audience, magdisenyo ng magandang pag-personalize/pag-customize, at maggrupo ng mga may kaugnayang tanong na gagamitin. Ginagawa nitong mas naka-target at mas maganda ang mga serbisyo ng survey sa SurveyMonkey.

Pagbibigay ng Iba’t Ibang Opsyon sa Pag-display na Maaaring Itakda upang Umakma sa Mga Tema ng Iyong Survey

Tiyak na nakakainip kung ang pag-display sa survey ay isang puting page lang na naglalaman ng listahan ng mga tanong. Upang maiwasan ito, ibinibigay ng SurveyMonkey ang mga paraan ng pag-customize at pag-personalize gamit ang iba’t ibang opsyon, mula sa pagtatakda ng logo, kulay at font, hanggang pag-a-upload ng mga larawan at iba pa, upang i-optimize ang iyong branding. Ang isa pang natatanging bagay ay isasama ang pangalan ng iyong kumpanya sa mga link ng questionnaire mo para sa survey, upang magmukhang opisyal ang iyong survey. Nag-set up din ang SurveyMonkey ng page ng “pasasalamat” para sa mga respondent na nakakumpleto na sa survey, at awtomatikong ipapadala ang mga tugon ng respondent nang direkta sa iyo.

Ipinapakita Bilang Mobile Application

Ang isa pang magandang bagay ay maa-access at makukuha ang SurveyMonkey bilang mobile phone application. Hindi lang ito available sa iPhone o iPad, ngunit mayroon na rin ito sa lahat ng mobile device na Android. Nagbibigay-daan ito sa iyo na subaybayan ang proseso at ang mga resulta ng survey na kasalukuyan mong isinasagawa, kahit saan at kahit kailan. Malalaman mo kaagad ang anumang mga update sa pamamagitan lang ng pagsa-slide sa screen ng iyong telepono. Gayundin, siguradong mananatiling ligtas at kumpidensyal ang anumang data at impormasyon ng survey na naka-store.

Direktang Nakakonekta sa Social Media, Email at Mga Site

Nakakonekta sa iyong sariling email ang mga survey na ginawa mo sa SurveyMonkey. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga pakinabang na ito na magpatuloy sa pag-a-update sa kamakailang paunawa at anunsyo na may kaugnayan sa iyong survey. Bukod pa rito, dahil nakakonekta ang iyong mga social media account at site, maaari ding ipadala ang survey mo sa pamamagitan ng mga media na ito.

Nagbibigay ng Libreng Bersyon nang walang Mga Nakakainis na Ad

Isa pang magandang balita, ibinibigay ng SurveyMonkey ang lahat ng ito nang libre at wala pang mga lumalabas na ad na maaaring nakakainis. Para sa libreng bersyon, makakapagsagawa ka ng survey para sa 100 respondent at makakapagtanong ng 10 bagay, maikokonekta mo ito sa isang aktibong e-mail, mako-customize ang pag-display, mae-enjoy ang mga feature ng skip logic, at makakatanggap ka ng mga tumpak na ulat ng data, nang walang ginagastos na kahit piso. Gayunpaman, lubos na ipinapayo sa iyo na subukan ang may bayad na bersyon na nakakategorya sa mga uring Platinum at Gold, dahil magkakaroon ang may bayad na bersyon ng mga karagdagang feature tulad ng pagsubok na A/B, pagpoproseso ng istatistikal na data, pati na rin ng iba pang mga advanced na feature na tutugma at magpapaganda sa iyong karanasan sa paggawa ng dekalidad na survey.